Epekto ng Bagyong Kabayan inaasahang hindi na aabot pa sa pasko- PAGASA Camarines Sur

CAMARINES SUR- Binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Kabayan na huling namataan sa 195 km East of Davao City (7.3°N, 127.4°E).

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PAGASA Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta nakikitang hindi na ito aabutin ng Pasko at hindi na tumaas pa sa parte ng Bicol Region bagkus sa parte lamang ng Visayas at Mindanao. Subalit posible aniyang makaranas ng pag-uulan ang Camarines Sur at ang rehiyon dahil sa lumalakas na Hangging Amihan. Asahan na aniya ang malamig na Kapaskuhan.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support
Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Dagdag pa nito posibleng wala nang susunod pang Bagyo hanggang matapos ang 2023.