“Artificial Island”, binubuo umano ng mga Chinese malapit sa Spratly’s Island

Ibinunyag ng ilang mangingisda mula sa Puerto Princesa ang aktibidad ng mga Chinese vessel malapit sa Spratly’s Island.

Ayon kay Sherwin Lojina, isa sa walong mangingisda na mula sa Barangay Bagong Bayan sa Puerto Princesa, halos gabi gabi nilang nasilayan ang “pagbubuhos” ng mga bato ng ilang Chinese vessel.

Sakay daw ng tinatayang tatlumpong vessel na may bandila ng China ang mga gumagawa ng ganoon ilang metro ang layo sa kanilang mga di- katig na bangka.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Hinala pa nito ay may Chinese coastguard habang may aktibidad at ito ay nasaksihan na rin ng iba pang mangingisdang nauna sa kanila.

Habang palutang- lutang sa bandang Jackson Reef ay may nag-video sa kanila habang nasa barko ng China subalit hindi naman sila sinita.

Ang ilang Chinese vessel na ito ang sinasakyan ng mga materyales sa “pagbuhos” ng mga bato sa karagatan gabi – gabi.

“ Kasi po, kada gabi talaga may bumubuhos talaga [ na bato ] , maingay po kasi naririnig namin at tsaka malapit lang kami doon… ramdam namin ang pagbuhos ng mga bato.. Chinese ang salita, dikit- dikit sila limang barko.” – Sherwin

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa kabila ng pagkakataong iyon ay hindi umano sila nakakita ng presensya ng Philippine Coastguard habang sila’y naka- angkla.

Bilang, mangingisda ay nangangamba si Sherwin sa kanyang nasaksihan lalo kung hindi ito napapansin ng Philippine Coastguard.

Samantala, una nang kinumpirma ng AFP na kamakailan ay may presensya ng hindi mabilang na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa WPS.