Tuition Fee increase ng 22 Local Colleges and Universities sa Bicol, hindi pinayagan

NAGA CITY – Hindi dapat magkaroon ng tuition fees increase ang alin mang 22 local colleges and universities sa buong Bicol Region, kung susundin ang direktiba ng Commission on Higher Education o CHED ngayong school year 2022-2023.

Ang local colleges and universities ay mga pampublikong kolehiyo na pinapatakbo ng kanya-kanyang lokal na pamahalaan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa halip, sa taong 2024 sila papayagang magkaroon ng tuition fees increase.

Ito ang inihayag sa Brigada News Fm Naga ni City College of Naga School President Dr. Magno Conag Jr. matapos ang 6th Regular Meeting ng Association of Local and Universities in Bicol Region. 

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Conag , kahit walang pag increase sa tuition fees, ang LGU-Naga ay laging handang sumuporta sa kanila,  katunayan sa school year 2023-2024 ay may inilaan ng ₱14 milyong pondo para sa City College of Naga. Mas mataas ng dalawang milyong piso kung ikukumpara ngayong school year.