Arta law, may magandang epekto sa mga ahensiya ng gobyerno- CSC Bicol

LEGAZPI CITY- Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) Bicol na may magandang epekto sa mga ahensiya ng gobyerno ang Anti-Red Tape Authority o ang batas na na-amend na ng Republic Act 11032 na tinatawag ding “Ease of Doing Business and Efficient Government Delivery Act of 2018”.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon kay CSC Bicol Regional Director Atty. Daisy Bragais, nagkaroon ng pagbabago o improvement ang mga ahensiya ng gobyerno pagdating sa kanilang mga serbisyo partikular na sa frontline services.

Nabanggit ng opisyal ang ilang mga ahensiya na nagkaroon ng mga improvement dahil sa nasabing batas kung saan isa ang Land Transportation Office (LTO).

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sinabi niyang mas maayos ang opisina ng LTO ngayon kumpara noon dahil nagkaroon na ng sistema ang kanilang frontline services.

Bukas naman ang CSC Bicol para sa reklamo ukol sa mga opisina o ahensyang lumalabag sa nasabing batas.