Nanawagan ng tigil-giyera ang dalawang Russian billionaires na sina Mikhail Fridman at Oleg Deripaska.
Sinabi ni Fridman na naninirahan sa Lviv ang kanyang mga magulang at ito ang kanyang paboritong lungsod pero mas malaking parte ng buhay niya ay iginugol niya bilang mamamayan ng Russia kung saan siya nagkanegosyo kaya siya nananawagan na itigil na ang pagdanak ng dugo.

Sa kanyang sulat ay inilahad ni Fridman na maraming buhay ang masisira at magdudulot lamang ito ng pinsala sa dalawang bansa.
Aminado naman si Fridman na malabo pa na mahanapan ng solusyon sigalot pero tanging paraan aniya ay ang pagsama niya sa mga nananawagan na itigil na ang giyera.
Si Fridman ang chairman ng Alfa Group na isang private conglomerate na nag-o-operate sa Russia at mayroong itong $11.4 billion na net worth