Pakikinabangan ng mga sundalo at biktima ng pananalasa ng bagyong Kristine ang inilunsad na art at fashion exhibit sa House of Representatives.
Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng “Philippines’ Finest 2024” na isinakatuparan ng Congressional Spouses Foundation Incorporated.
Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni Romualdez ang CSFI matapos na mapiling tulungan ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at ang mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Ang proceeds ng exhibit ay mapupunta sa pagtatayo ng Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center sa Quezon City.
Matatagpuan ang exhibit sa North Wing Lobby ng Kamara kung saan kasama sa mabibili ang painting ng local artists, mga damit at iba pang produkto ng designers.
Samantala, pormal na ring pinailawan ng Kamara ang higanteng Christmas tree sa lobby ng plenary hall na simbolo ng nalalapit na selebrasyon ng Pasko.
Nakatakda ring handugan ng pamasko ang non-organic employees ng Mababang Kapulungan sa unang linggo ng Disyembre.