Winston Casio – sibak bilang PAOCC spokesperson

Kinumpirma ng Chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na si Executive Secretary Lucas Bersamin na sinibak na bilang spokesperson ng PAOCC si Winston Casio.

Kasunod ito ng pananakit nya sa isang lalaki sa naganap na raid sa isang scam hub sa Bataan kamakailan.

Ayon kay Bersamin, nasa ilalim na ngayon ng administrative investigation si Casio at pinagsusumite ng written explanation sa loob ng 24 oras.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Aminado naman si Casio sa nagawa nitong pagkakamali, at anya nadala lang daw sya ng kanyang damdamin kaya nagawa nya ang pananampal.

Nakapagsumite na rin daw sya ng kanyang paliwanag kahapon at hinihintay na lang ang magiging pasyo ng komisyon.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Samantala, ayon naman kay PAOCC Executive Director Usec. Gilbert Cruz, nakadepende sa magiging desisyon ng buong komisyon kung ibabalik bilang tagapagsalita si Casio, ‘o kung dapat na itong palitan.

Sa ngayon, sya na muna raw ang magsisilbing tagapagsalita ng PAOCC habang gumugulong ang imbestigasyon kay Casio.

Tiniyak din nitong hindi maaapektuhan ang kanilang mandato sa PAOCC ang naturang insidente.