Batangas City- Matagumpay na nakapagtapos ng Lifeguard Training course ang nasa tatlumpu’t-anim na mga trainees mula sa Lobo, Batangas.
Isinagawa ang pagsasanay ng pamahalaang lokal sa tulong ng Tanggapan ng Turismo at ng Philippine Red Cross – Batangas Chapter.
Layon ng naturang program ana magkaroon ng lisensya ang mga lifeguard sa bawat establisyamento sa naturang bayan, upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista.
Sa pagsasanay ay tinuruan sila kung paano ang mga tamang gawin kapag may nalulunod at kung anong klaseng first aid ang dapat gawin sa mga ito.
Samantala, nabatid na umabot na sa pitumpu’t isa ang bilang ng mga lisensyadong lifeguard sa Lobo.