Armas at war materials, nasamsam sa engkwentro sa Masbate

SORSOGON CITY – Nakumpiska ng tropa ng pamahalaan ang armas at war materials matapos maka-engkwentro ang mga rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) sa boundary ng Brgy Buenasuerte at Brgy Lampuyang sa bayan ng Pio V Corpus.

Ayon sa ulat ng 903rd Brigade, nakatanggap umano ng report mula sa isang concerned citizen ang 2nd Infantry Battalion kaugnay sa pangingikil at recruitment ng mga armadong grupo sa nasabing barangay kaya inalerto ang mga sundalo.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Umabot sa 30 minuto ang naging palitan ng putok hanggang sa magsitakas ang mga kalaban.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kabilang sa nasamsam sa lugar ay ang isang M16 rifle, 103 rounds ng bala, isang anti-personnel mine (APM), 7 pirasong blasting caps, tatlong cellphones, tatlong hammock mga gamot, subersibong dokumentos at iba pa.

Wala namang naitalang kaswalti sa hanay ng mga sundalo.