LEGAZPI CITY – May panawagan ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa mga nagnanais magdonate ng food at non-food items sa mga bakwit ng Bulkang Mayon.
Nanawagan si APSEMO Head Dr. Cedric Daep sa mga may planong magpaabot ng donasyon para sa mga Mayon evacuees na mas mainam na dito na lamang ito bilhin sa lalawigan dahil malaking tulong umano ito para sa ekonomiya ng Albay.
Ayon kay Daep, maraming mga donasyon ang maaring mabili rin sa lalawigan.
Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang mga donors na dito na lamang bilhin ang kanilang mga donasyon na ipamahagi sa mga pamilyang nasa iba’t ibang mga evacuation centers sa lalawigan.
Pinasalamatan naman ni Daep ang mga patuloy na tumutulong sa mga bakwit ng Bulkan.
Ngunit binigyang diin rin nya na kung maaari at kung mayroon mang nagbabalak na magpaabot ng donasyon lalo na kung mayroon din lang namang dalang pera, marapatin na lamang umano na dito na bumili sa lalawigan ng mga commodities para umano masuportahan rin ang ekonomiya ng Albay.