8 koponan sa magkakaibang laro mula sa Bicol, pasok sa Palarong Pambansa 2023 – DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol na pasok sa Palarong Pambansa 2023 ang walong koponan mula sa rehiyon sa magkakaibang laro sa katatapos lamang na 2023 Pambansa Pre-Qualifying event sa Laguna matapos talunin ang ibang manlalaro sa Cluster 2.

Ayon kay DEPED Bicol regional Director Gilbert Sadsad, nagulat na lamang sila sa ipinakitang galing at husay ng mga atleta matapos na maging kampeon sa nasabing kompetisyon.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Aniya, nakipagsabayan ang pambato ng rehiyon sa mga mahuhusay at dating kampeon sa Palarong Pambansa tulad na lamang ng CALABARZON, NCR at MIMAROPA.

Nasungkit ng rehiyon ang kampeonato sa Sepak Takraw Jr. Elementary Boys Division na mula sa Catanduanes, Volleyball Elementary boys sa Sorsogon, Futsal Secondary Girls na mula sa Masbate.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Binigyang-diin pa ni Sadsad, kaya gumanda ang performance ng mga athleta ay dahil sa malaking insentibo makukuha ng mga ito at pinaghandaan ng mga ito sa pamamagitan ng pag-eensayo sa laro.

Inihayag ng DEPED Bicol na gaganapin ang Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5 ng kasalukuyang taon.