APSEMO, binigyang-diin na hindi naka-trigger sa lahar ang pag-ulang naranasan kamakailan

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Albay Public Safety and Emergency Management (APSEMO) na hindi naman sila dumating sa puntong magpalikas ng mga pamilya dahil sa mga pag-ulan na naitala kamakailan.

Ayon kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, ang na-monitor nilang rainfall amount sa rainfall data ng PHIVOLCS at PAGASA ay hindi man lang umaabot ng mahigit 3 millimeters ng average per hour nito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya, ang kanilang rainfall threshold upang magpa-evacuate ay nasa 33-35 millimeters kung new deposits, samantalang 40 millimeters naman sa old deposits.

Napakalayo umano nito dahil ang threshold upang ma-trigger ang lahar ay 60 millimeters per hour.

Dagdag pa niya, napakababa ng rainfall amount at kung mayroon man umanong napakalakas na may kinalaman sa mga pagkulog o thunderstorm, hindi naman ito tumatagal o umaabot sa dalawang oras.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Hinding-hindi umano nito mati-trigger ang lahar bagkus mas nakakatulong pa sapagkat nalilinisan ang mga dahon na natakpan ng mga abo mula sa Bulkang Mayon at nadidiligan pa ang mga pananim ng mga magsasaka.