DSWD Bicol, sinabing nasa 400 pamilyang evacuees na lamang ang kulang upang makumpleto ang inisyal na target na mabigyan ng asistensya

LEGAZPI CITY – Tinatayang nasa mahigit 400 na lamang na pamilyang evacuees sa Albay ang kulang at hindi pa napapamahagian na asistensya upang maabot na ang target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang naturang asistensya ay ang ibinibigay na PHP12,000 bawat pamilyang inilikas dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa ahensya, ito ay sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer program kung saan aabot sa 5,249 pamilya ang kanilang target.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon, nakapamahagi na sila sa ilang mga pamilya sa lalawigan, kung saan 1,544 sa Sto. Domingo; 894 sa Guinobatan; 886 sa Camalig; 596 sa Daraga; 444 sa Tabaco City, habang 57 naman sa Ligao City.