LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office (PHO) na ang mga iniinom na tubig ng lahat ng mga bakwit ng Bukang Mayon ay mula na sa mga refilling station sa lalawigan.
Ayon kay Albay Provincial Sanitary Engr. William Sabater, mula pa noong isang linggo ay nag-umpisa na sila sa pag-supply ng inuming tubig na mula sa refilling stations para sa mga bakwit.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga bakwit, at masigurong malinis ang kanilang naiinom upang hindi makaapekto sa kanilang kalusugan na maaaring magdulot ng iba’t ibang mga sakit.
Samantala, patuloy naman na nagsasagawa ang nasabing tanggapan ng monitoring sa mga evacuation sites sa lalawigan sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga evacuees.
Maliban dito, ipinagpapatuloy din ang padidistribute at pagdedeliver ng iba’t ibang mga gamot at medical supplies sa iba’t ibang mga evacuation centers.