Appointments nina COMELEC’s Garcia, CSC’s Nograles – lusot sa CA

Sumalang sa makapangyarihang Commission on Appointments sina Commission on Elections chairperson George Erwin Garcia at Civil Cervice Commission chairperson Karlo Nograles para sa deliberasyon ng kanilang ad interim appointment.

Ginisa ng mga Kongresistang miyembro ng Committee on Constitutional Commissions and Offices si Garcia para malaman kung karapat-dapat ba itong mamuno sa poll body.

Isa-isang nagtanong ang mga mambabatas hinggil sa mga isyung dapat matugunan ng COMELEC pati na rin ang mga plano nito sa mga susunod na halalan sa bansa.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa kanyang opening statement, ibinida ng COMELEC chief ang mataas na turnout at mabilis na pagalalabas ng resulta ng 2022 national elections.

Muli ring umapela si Garcia sa mga mambabatas na mapagbigyan ang kanilang hiling na bagong building para magkaroon sila ng sariling gusali.

Tiniyak din ng poll body chief na magkakaroon ng resolusyon hinggil sa debate fiasco noong Abril.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Aniya, sa mag susunod na araw ay ia-anunsyo nila kung sino ang may responsibilidad sa unrelease payment ng presidential at vice presidential debates.

Inaprubahan naman ng Kumite ang ad-interim appointment nito.

Aprubado rin ang appointment ni Nograles at nakatakdang isalang sa plenaryo.

Matatandaang hindi natapos noon ang appointment deliberation nina Garcia at Nograles nang sumailalim sa CA ang mga appointees ng Duterte administration.
#