Isang hybrid na orchid ang ipinangalan kina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos ngayong umaga.
Isinagawa ang programa sa National Orchid Garden sa Singapore bilang kortesiya sa pagbisita ng first couple sa Singapore.
Ang bagong orchid ay pinangalanang ‘Dendrobium Ferdinand Louise Marcos’ – isang ‘free-flowing orchid hybrid’ na mayroong 50-70 centimeter ang taas at kayang magkaroon ng 20-30 na mga bulaklak.
Ang orchid na ito ay mula sa pinagsamang Dendrobium Dr. and Mrs. Hew Choy Sin at Dendrobium lineale.
Ayon kay Whang Lay Keng, ang curator sa National Orchid Garden, ang orchid na ito ay sumisimbolo sa mainit na relasyon sa pagitan ng Singapore at ng Pilipinas.
Matatandaang sa ilalim ng ‘orchid diplomacy’ ng Singapore, mayroon na ring mga ipinangalan noong orchids sa mga nagdaang head of state ng Pilipinas.
Kabilang na rito ang Dendrobium Rodrigo Roa Duterte nong 2016; Papilionanda Benigno S Aquino III noong 2011; at Aranthera Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001.
#