Application sa grant-in aid program ng KPSP, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- PATULOY na tumatanggap ng mga aplikante ang provincial government ng South Cotabato para sa grant-in aid program nito sa ilalim ng Kabugwason Paglaum Scholarship Program o KPSP.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Renette Bergado na maaaring maka-avail ng programa ang lahat na mga college students na taga South Cotabato na walang scholarship at hindi nakapasok sa regular scholarship program.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kahit mga nag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad sa labas ng lalawigan, ay maaari ding mag-aplay.Ang mga grant-in aid scholars ay makakatanggap ng educational assistance na P 10,000 kada semester.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa kasalukuyan, ang South Cotabato ay mayroong 395 grant-in aid scholars at 323 regular scholars sa ilalim ng KPSP.Ang KPSP ay mayroong P 33 million na pondo.