APEC, naglabas ng sama ng loob hinggil sa pagkaka-terminate ng kanilang concession agreement

LEGAZPI CITY – “Hindi kayo naputulan ng kuryente sa Albay sa loob ng walong taon kahit marami ang hindi nagbabayad.”

Ito ang payahag ni Apo Alvarez, Chief Operating Officer & General Manager ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa press conference kahapon matapos maglabas ng sama loob dahil sa pagkakansela ng ang Concession Agreement ng kanilang kumpanya at ALECO.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon kay Alvarez, kailan man ay hindi nakaranas ang buong lalawigan na maputulan ng kuryente kahit na sila ay nalulugi at marami ang nagnanakaw ng kuryente dahil ginagarantiya ito ng San Miguel Corporation at ng nasabing korporasyon.

Dahil dito, iti-take over na ng National Electrification Administration (NEA) ang pag-proccure ng power supply, kung saan tatanggalan na ng credit guarantee ang APEC.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Nilinaw naman ni Alvarez na hindi ang APEC ang nagsimula ng problema nito.

Sinabi pa ng opisyal, walang silang layunin na pahirapan ang mga consumers dahil hindi naman nakaranas ang Albay na maputulan ng supply ng kuryente sa loob ng walong taon, bagkus sila ang nakakaranas ng pagmumura mula sa mga konsumer. Binigyan-diin pa nito, na hindi na nila ipagpupumilit ang kanilang sarili o ang korporasyon kung ayaw na ng consumers.