Apat na pulis na nasangkot sa isang insidente sa Laguna, ni-relieve na sa pwesto

Ni-relieve na sa pwesto ang apat na pulis na nasangkot sa isang insidente sa Laguna.

Maaalalang nauwi sa pamamaril ang pagkakabisto sa dalawang pulis na nagtatalik umano sa nakaparadang sasakyan sa Calamba, Laguna.

Ang nakakita sa dalawang pulis na magkaulayaw umano, ang mga asawa nila na mga pulis din.

Bago ito- una nang sinampahan ng kasong adultery at concubinage ang dalawang pulis.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Base sa ulat, mismong ang mga asawa ng umano’y magkalaguyong pulis ang nagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa ginagawang milagro raw ng kanilang mga partner.

Matagal na umanong kasing nagdududa ang kanilang mga asawa na may relasyon ang lalaking pulis at babaeng enlisted personnel.

Nang makatanggap sila ng impormasyon na nasa isang mall sa Laguna ang dalawa ay agad nila itong pinuntahan at dito nila nahuli sa aktong nagtatalalik.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Tinangka pa umanong tumakas ng dalawa at akma pang sasagasaan ang kanilang mga asawa, subalit nabaril ng lalaking pulis ang gulong ng sasakyan ng kanyang misis.

Tumalon sa sasakyan ang lalaking pulis at akmang tatakbo subalit nabaril naman ito ng kanyang asawa at tinamaan sa balikat.

Tuluyan namang nakatakas ang misis ng opisyal at pinatakbo ang sasakyan kahit flat ang na ang gulong.