Mahigit 150 na cottages sa Agos River, nago-operate kahit walang kaukulang mga papeles

Ikinabahala ng pamilya ng biktimang nalunod sa Agos River sa Infanta, Quezon ang patuloy na operasyon ng mahigit 150 na cottages sa tabing ilog.

Sa pagpupulong na dinaluhan ng Brigada News FM Lucena, maliwanag na sinabi ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng nasabing bayan na wala umanong mga kaukulang permit ang mga ito.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Bagama’t may karapatan sila upang ipatigil ang patuloy nitong pag-tanggap sa mga dayo dahil sa patakarang ‘No Permit, No Operation policy’, binigyan nila ng konsiderasyon ang asosasyong namamahala sa mga cottage sa nasabing lugar na i-comply ang kani-kanilang mga papeles.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Samantala, binigyan naman sila ng hanggang bukas, Abril 30, upang makumpleto ang mga kaukulang mga papeles na kinakailangan upang makapagpatuloy ito sa pagha-hanap buhay o tuluyang paaalisin ang mga ito sa kanilang lugar.