CAMARINES NORTE – Kumpiyansa ang Municipal Agriculture Office na sisigla na uli ang industriya ng pagbababoy sa bayan ng Basud, Camarines Norte kahit hindi pa ito ganap na naibaba sa pink zone mula sa kasalukuyang red zone classification.
Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino marami na rin kasi ngayon ang nagkakainteres na uli na mag- alaga ng baboy mula nang wala nang maitalang kaso ng African Swine Fever sa naturang bayan.
Mababatid na noong magsunod- sunod ang pagpopositibo ng mga alagang baboy sa naturang bayan ay naghigpit ang MAO at nasa mahigit isangdaang baboy ang na- depopulate para hindi na kumalat pa ang sakit.
Una nang inihayag ng MAO na nasa proseso na sila ng pagsusumite ng mga dokumento sa Department of Agriculture para maibaba na sa pink zone ang classification ng naturang bayan.
