Kinakalampag ng Malacañang ang Kongreso para sa agarang pagpasa sa Anti-Endo Bill.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkakabitin sa kongreso ng nasabing panukalang batas, gayong sa simula pa lamang ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinangako na niya na tutuldukan ang contractualization system sa sektor ng paggawa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na umaapela sila sa mga mambabatas na ipasa na ang Anti-Endo Bill bago man lang matapos ang administrasyong Duterte.
Mababatid na ang nasabing batas ay nasertipikahan na ng urgent ni Pangulong Duterte ngunit hanggang ngayon ay hindi pa inaaksyunan ng mga mambabatas.
Sa kasalukuyan ay maraming mga grupo pa rin ng manggagawa sa bansa ang patuloy na dumadaing dahil sa kawalan ng batas laban sa contractualization gayong isa itong priority bill ni Pangulong Duterte.