Año hinimok ang Marcos admin na ituloy ang magagandang programa ng DILG sa PNP

Pinangunahan ni Interior Secretary Eduardo M. Año ang ginawang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging miyembro ng Philippine National Police.

Isinabay ang pagbibigay ng award sa flag raising ceremony sa PNP Headquarters sa Kampo Crame.

Sa kanyang talumpati ibinida ni Secretary Año ang pagbaba ng crime rate at crime volume sa buong Pilipinas simula ng maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Personal din nitong pinasalamatan ang mga kapulisan sa pag-aalay ng kanilang sarili para lamang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa bansa sa kabila ng mga banta ng aniya’y mga ‘peace spoilers’.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Maliban sa paglaban sa kriminalidad, pinuri din Año ang PNP dahil sa umano’y unti-unting pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa mga alagad ng batas.

Umaasa naman si Sec. Año na ipagpapatuloy at palalawakin pa ng susunod na administrasyon sa pamamamagitan ni Interior Secretary-designate Benhur Abalos ang mga magagandang programa ng DILG sa pambansang pulisya.