Arestado ang tinaguriang Most Wanted Person ng Calabarzon matapos itong maaresto sa Brgy. Calubcub 2nd, San Juan, Batangas.
Kinilala ng San Juan Municipal Police Station ang suspek na si Fernando Debelos Jr., 29 anyos at residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang naturang suspek bandang alas-8 ng umaga ng Hunyo 18, 2022 sa Brgy. Calubcub 2nd sa bayan ng San Juan sa pinagsanib na pwersa ng Intel Operatives ng San Juan MPS, Regional Intelligence Division 4A (RID) PIT Batangas at ng RIU PIT Batangas.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas noong Mayo 20, 2022.
Naganap ang krimen noong Oktubre 3, 2021 bandang alas-10 ng umaga.
Samantala, noong ika-11 ng Oktubre taong 2021 ng maghain ng reklamo sa San Juan MPS ang biktimang 12 taong gulang kasama ang kanyang magulang laban sa akusado.
Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang suspek at mahaharap sa 3 counts ng kasong rape.