Kabataang tumutungo sa NCR posibleng mabawasan ng kaunti sa pag epekto wage increase- SK Official

NAGA CITY- Maaaring mabawasan ng kaunti ang bilang ng mga kabataang taga Camarines Sur na tumutungo sa ibang lugar  partikular na sa National Capital Region para magtrabaho ngayong epektibo na ang minimum wage increase sa Bicol.

Ito ay ayon kay Olas , Lagonoy  Sanguniang Kabataan Chairman Johnlloyd Capacio. Aniya bukod sa pag-aaral ng Sekondarya at Kolehiyo maraming kabataan din ang umaalis sa kanilang barangay upang magtrabaho sa Maynila, mas mataas kasi ang arawang sahod. Ngayong magiging P365 na ang daily wage sa rehiyon maari aniyang mabawasan ang kailangang magtrabaho sa mas malayong lugar at malayo sa pamilya.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Sa 10% , 3% lamang rito  ang pwedeng mabawas pagpupunto pa ni Capacio. Malayo pa kasi ito sa P570 sa NCR gayong pareho lang naman mahal ang presyo ng mga bilihin at ibibigay pa ng  dalawang tranche ang increase.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Dagdag pa ng SK Chairman, may mga pipiliin kasing sa Bicol na lamang magtrabaho dahil malaking bagay na rin ang dagdag na P55.00.  Batid din nitong may negatibong epekto rin sa ibang kabataan ang maagang pag-alis sa tahanan tulad ng wala sa mga okasyon at minsan ay nakukulangan na sa gabay ng magulang.