Annual General Membership Assembly ng Canoreco tuloy na sa Disyembre

CAMARINES NORTE- Tuloy na sa Disyembre 11 nitong taon ang 38th Annual General Membership Assembly (AGMA) ng Camarines Norte Electric Cooperative.

Pero dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19 at hindi pa maipapahintulot ang mass gathering ay gagawin ito virtually sa pamamagitan ng Facebook Livestream sa ganap na ala 1 ng hapon.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni General Manager Zandro Gestiada, inihayag nito na magpapalabas umano ng guidelines ang management  hinggil sa kung ano ang magiging proseso ng AGMA.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Matatandaan na buwan pa lamang ng Agosto ay sinabi na ng naturang kooperatiba ng kuryente na posibleng magdaos ng AGMA sa Disyembre at kailangan ang approval ng National Electrification Administration (NEA).

Noong  wala pang pandemya ay isinasagawa ang taunang aktibidad tuwing huling Sabado ng Agosto.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dahil daw sa kasalukuyang sitwasyon na dulot ng pandemya ay maraming mga dapat isaalang- alang.

Kaya naman sa gagawing AGMA sa susunod na buwan ay manonood at makikinig na lamang ang mga miyembro kunsomidores sa Facebook Livestream.

Dito ipapaalam sa mga miyembro kunsomidores ang kalalagayan ng naturang kooperatiba ng kuryente partikular ang financial status nito.