Maraming pagbabago sa proseso ng halalaan inaasahan na ng simbahan, PPCRV naghahanda

CAMARINES NORTE- Inaasahan na umano ng simbahang katoliko na marami ang magiging pagbabago sa gaganaping halalan sa Mayo.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni Bishop Rex Andrew Alarcon na bilang paghahanda ay nagkakaroon retraining at re orientation ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ayon sa Obispo ngayong mayroong pandemya kung saan maraming restrictions ay nakatuon din umano ang kanilang pansin sa electronic na pagsasagawa ng mga training para sa mga volunteers ng PPCRV at sa mga taong hahawak sa mga ito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kadalasan umano ngayon ay virtual training pero kung posible naman ang face to face ay maaari din naman.

Kung maalala ay una nang inihayag ni PPCRV Diocesan Lay Coordinator Marissa Bernardo na kailangan nila ngayon ang maraming volunteer.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Target ng PPCRV na makakuha ng nasa 30- 50 volunteer sa kada parokya depende sa laki o s alawak ng nasasakupan.

Mas mainam din umano kung fully vaccinated na ang mga volunteers lalo na ang idi- deploy sa mga presinto.