CAMARINES NORTE- Umaabot na ngayon sa 149 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes Camarines Norte.
Sa bilang na ito lima ang aktibong kaso na nagpapagaling sa ospital at Ligtas Covid Center.
Umabot na rin sa 18 ang nasawi at 126 ang gumaling sa sakit.
Pinakamaraming kaso ng sakit sa Barangay San Roque na may 28, Del Rosario na may 18 at Barangay 3 na may 12.
Sa 26 na Barangay ng naturang bayan tanging ang Barangay Lanot na lang ang wala pang naitatalang kaso ng sakit.
Pinaka apektado ang age group na 31-40.
Sa 43 kama na inilaan ng Mercedes ligtas Covid Center tatlo lang dito ang okupado o 7 % occupancy rate.
Patuloy naman ang paalala ng Lokal na Pamahalaan sa mga constituent nito na patuloy na sundin ang health protocols kahit mababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19.
