DOH, nanindigan na ang pagba-ban sa mukbang ay hindi lalabag sa karapatan ng mga content creators

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na hindi malalabag ang karapatan ng mga content creators sakaling ipagbawal nila ang paggawa ng mukbang content.

Ito ay matapos mamatay dahil sa stroke ang isang 37-year-old food content creator kasunod ng pagmu-mukbang ng fried chicken.

Ayon kay DOH, kung iba-ban nila ang mukbang ay hindi naman malalabag ang kalayaan ng mga video creators sa pananalita at expression.

Mababatid na una nang sinabi ng ahensya na may mga health risk na kaakibat ang pagkain nang marami.

Ang mukbang umano ay nagpo-promote ng labis na pagkain, na maaaring magdulot ng labis na timbang, na nagpapataas ng panganib sa mga hindi nakakahawa na sakit, hypertension, at atake sa puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *