Australia, nais munang fully vaxxed si Kanye West, bago ang anumang concert tour

Iginiit ni Prime Minister Scott Morrison na kailangan munang maging fully vaccinated ang hip-hop artist na si Kanye West, kung nais nito na magsagawa ng concerts sa Australia.

Ito’y matapos inanunsyo ng media na plano ng performer na magkaroon ng tour sa Australian sa Marso.

Ang babala ni Morrison ay matapos ang dalawang linggo nang makansela ang visa ni tennis superstar Novak Djokovic, dahil sa kanilang COVID-19 rules at ang kanyang unvaccinated status.

Paliwanag ng Prime Minister, ang kanilang panuntunan ay ipinapatupad sa lahat, maging sinuman ang mga ito.

Sa ngayon, hindi pa makumpirma kung anu ang vaccination status ni West , pro noong 2021 interview sa social media, sinabi nitong nakatanggap na siya ng isang dose. //MHEL PACIA-TRINIDAD