Angelika dela Cruz, pinabulaanang buntis si Mika kaya ikinasal kay Nash

Kinumpirma ni Angelika dela Cruz na hindi totoo ang mga balita na buntis ang kanyang kapatid na si Mika dela Cruz, na kamakailan lamang ikinasal sa kapwa child star nitong si Nash Aguas.

Diretsahang sinabi ni Angelika na… “”My sister is not pregnant.”

Aniya, siguraduhin munang totoo ang mga impormasyon bago ito ipakalat sa social media.

Lumabas ang mga balitang nagdadalang tao na si Mika matapos nitong pakasalan si Nash nang hindi inaanunsyo sa publiko.

Dagdag pa ng kanyang kapatid, gusto niya na ring magkaroon ng pamangkin at kung siya ang tatanungin, baby girl sana ang unang baby nila Nash at Mika.