Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sigarilyo ang sanhi ng sunog sa kamakailang sunog na nangyari sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong nakaraang buwan.
Ayon kay Arson Investigation Division Chief Fire Superintendent Bayani Zambrano, marami silang nakitang gamit na sigarilyo sa pinangyarihan ng sunog, na dinidiin nilang “probable ignition source.”
Itinuring ng BFP na aksidente nangyare, matapos masunog ng upos ng sigarilyo ang fuel hose ng isang itim na SUV.
Mabilis naman ang naging pagkalat ng apoy dahil sa matinding init na temperatura, malakas na hangin, at tuyong damo, na tuluyang tumupok sa 19 na sasakyan.
Hindi naman inirekomenda ng BFP ang pagsasampa ng kaso laban sa sinumang indibidwal.