Shotgun at Holen gun, kinumpiska sa isang foreman-City PNP

Arestado ng pulisya si Jonas Dipasupil Dumremdes a.k.a ” par-as”, 39- anyos sa Purok Trese, Sitio Tagumpay, Barangay Inagawan- Sub, Puerto Princesa City.

Ayon sa City Police Office, 11:30 ng umaga ng Martes, May 21 ay nahulihan ng mga improvised nab aril si “par-as”.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa report ng PPCPO, may nag-report na concerned citizen na may isang lalaki ang nasa impluwensya ng alak at armado ng short firearm sa lugar.

Pagdating sa lugar ng pulisya, naaktuhan sa pangangalaga ng suspek ang dalawang holen gun at narekober pa ang (1) unit improvised 12-gauge shotgun na may dalawang bala ng 12-gauge shotgun.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, nabigo raw ang suspek na magpakita ng mga legal na dokumento sa mga ebidensya kaya nahaharap ito sa paglabag sa Republic Act 10591.