Angeles city bumili ng plastic shredder machine

Bumili ang Angeles city ng Plastic Shredder Machine, na gagamitin para sa recycling program ng syudad.

Ayon kay IC Calaguas, ang Chief Adviser ni Mayor Pogi Lazatin, bahagi anya ng programa ng syudad para sa pagpapaganda ng kapaligiran ang pagbili ng naturang makinarya.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Gagamitin kasi ito para ma-recycle ang nasa mahigit 500 kilos ng mga plastic na nakolekta sa programang Walang plastikan, Plastik Palit Bigas.

Ang mga plastic ang gagawing brick pavers na pangununahan ng City Engineering’s office.

Isasailalim din sa training ang mga empleyado may kaugnayan sa recycling process.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon nasa dalawa nang plastic shedder ang dumating sa Angeles city, at mayroon pa umanong parating na mas malaki.

Samantala ang Angeles city ang kauna-unahang lugar sa Pampanga na merong Plastic shedder machine.