‘Today, we begin a new chapter’
Ito ang naging pahayag ni dating vice president na si Atty. Leni Robredo kasabay ng paglulunsad ng kanyang Angat Buhay Foundation.
Ang non-government organization na ito ay ang tinatarget ng kanyang kampo at mga supporters na maging isa sa mga pinakamalaking volunteer network sa bansa.
Pinasalamatan ni Citizen Leni ang lahat ng mga nakatuwang nila sa pagbuo ng grupong ito.
Kahit na hindi ito nanalo sa kanyang kandidatura, marami pa rin umano ang gustong tumulong at palakasin ang volunteerism para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Isa sa mga pangunahing layunin ng NGO ay ang pagkakaroon ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, disaster response, at pagkain.
Matatandaang ilan sa mga inilunsad noon ng OVP ay ang mga teleconsulting at libreng covid-19 testing.
Naibahagi naman nito na hindi naaprubahan ang kanilang resgistration sa Securites and Exchange Commission.
Mayroon nang kapangalan ang ‘Angat Buhay’ kaya ang aprubado na nitong corporate name sa ngayon ay Angat Pinas Inc.
#