Pangulong Bongbong Marcos, napili ang Bahay Pangarap bilang official residence ng First Family

Napili umano ni President Bongbong Marcos ang ‘Bahay Pangarap’ bilang official residence ng kanyang pamilya.

Ito ang kinumpirma sa isang panayam ng kanyang pinsan at Philippine Ambassador to the US na si Babes Romualdez.

Aniya, sa kasalukuyan ay nire-renovate na ang bahaging ito ng Palasyo para paghandaan ang paglipat ng First Family.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang Bahay Pangarap ay isang recreational house sa Malacañang na matatagpuan sa kabilang dulo mula sa Pasig River.

Ginamit na rin ito noon nina dating pangulong Rodrigo Duterte at dating pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, sinabi naman ni Romualdez na isa sa mga pagtutuunan ng pansin ng bagong administrasyon ay ang pagpapalago sa ekonomiya ng Pilipinas.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Aniya, target ni Marcos na magkaroon ng mas maraming economic activities sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Kumpyansa rin siya sa liderato ni Marcos sa susunod na anim na taon lalo na’t ‘motivated’ daw ito ng 31 milyong mga Pilipinong bumoto para sa kanya.
#