Inabswelto ng Las Piñas City Regional Trial Court ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa kasong illegal drug possession.
Ayon kay Atty. Pearlito Campanilla, abogado ni Juanito Jose Remulla III, pinawalang sala ang kanyang kliyente dahil napatunayang hindi ito ang importer ng kush na nagkakahalaga ng P1.3-million.
Dagdag pa ni Campanilla nagkaroon din umano ng isyu sa chain of custody sa mga ebidensiya dahil hindi nagpatawag ng mga witness ang Philippine Drug Enforcement Agency para sa inventory ng iligal na droga.
Binigyan diin din ng abogado na ang package na naglalaman ng iligal na droga ay nakapangalan kay “Juanito Remulla,” at hindi kay Juanito Jose Remulla III.
Dahil sa desisyon ng korte sinabi ni Campanilla na dapat makalbas agad ng kulungan ang kanyang kliyente.
