Ambulansya ng LGU Dumaran, naaksidente sa Roxas Palawan

Wasak ang harap ng isang ambulansya o patient transport vehicle ng LGU Dumaran matapos maaksidente sa National Highway ng Brgy. Tinitian Roxas, Palawan.

Sa inisyal na impormasyon galing sa MDRRMO Dumaran, naitala ang aksidente ganap na 8:30 kaninang umaga.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Nanggaling sa Puerto Princesa ang sasakyan at naghatid ng pasyente at pauwi na umano sa bayan ng Dumaran bago mangyari ang aksidente.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Tanging ang driver at  isang kasama nito ang sakay na hindi pa nakikilala ng rescuer.

Samantala, sa inisyal na pagsisiyasat ay nagkaroon umano ng nagproblema sa gulong ang sasakyan kaya naaksidente.