Presyo ng petrolyo sa Palawan, pilit raw na ginagawaan ng paraan upang mapababa

Sinisikap pa rin umano ng mga lokal na mambabatas sa lalawigan ng Palawan na magawaan ng paraan upang mapababa ang presyo ng petrolyo sa lalawigan.

Ngayong Martes ay nagpatupad ng ika-pitong Oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Sa isang panayam, sinabi ni Dir. Rino Abad – DOE Oil Industry Management Bureau na ang ilan sa nakakaapekto sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay ang Geopolitical issues at kakulangan pagdating sa pandaigdigang suplay ng krudo.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Samantala, una nang hiniiling ng Sangguniang Panlalawigan na maimbestigahan ng senado ang mataas na presyo.

Base sa pananaliksik ng Committee on Energy sa  Sanggunian, ang lalawigan ang may pinakamahal sa lahat ng mga probinsya pagdating sa presyo ng produktong petrolyo.