Helicopter ng China, dinikitan ang eroplano ng BFAR sa Panatag Shoal

Dinikitan ng Chinese military helicopter ang isang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa himpapawid.

Ito ay matapos lumipad ang BFAR aircraft sa ibabaw ng Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling

Ayon sa BFAR, nakatanggap sila ng ilang babala sa radyo mula sa Chinese Navy Warship.

Ito rin ang naging dahilan ng paglapit ng Chinese Helicopter sa eroplano ng BFAR kung saan ito ay mapanganib na.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Samantala, ang naturang pangyayari naman ang nag-udyok sa piloto ng BFAR na magbigay rin ng babala sa radyo sa mga Chinese air crew.

Sa ngayon, wala pa umanong update mula sa BFAR.