Ama ng 17 anyos na babae, masama ang loob sa sinapit ng anak matapos mabakunahan ng Covid-19 Vaccine

Masama ang loob ni ginoong Joel Corpuz ng Cainta, Rizal Province sa sinapit ng kanyang 17 anyos na anak na babae.

Kwento ni Joel sa Brigada News FM, hindi na normal ang kinikilos at kondisyon ngayon ng anak na si Joyce Ann D. Corpuz matapos na mabakunahan ng 1st dose ng Pfizer nitong lunes, February 7, 2022.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Maayos naman daw silang nakauwi ng kanyang anak sa bahay pero nang gumabi ay bigla na lang itong nahilo at nawala sa sarili.

Kinabukasan ay masama pa rin ang pakiramdam nito at nagsasalita na ito mag-isa pero nilinaw ni Joel na walang ibang karamdaman ang kanyang anak bago ito mabakunahan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nagdesisyon ang pamilya na dalhin ang anak sa ospital pero hindi pa rin naging maayos ang kondisyon nito.

Samantala, hinihintay nila ang resulta ng CT-scan result ng anak na ngayon ay inooberbahan sa kanilang tahanan.