Ilang palayan sa Cauayan City, nakitaan na rin ng rice blast

May ilan ng mga playan sa lunsod ng Cauayan ang nakitaan ng rice blast.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist, matapos aniyang may report ng rice blast sa ibang munisipyo sa rehiyon ay nagsagawa sila ng monitoring sa mga palayan.

Aniya, nakitang may mga farm na apektado na nito sa bahagi ng Tanap region partikular sa barangay Alinam, Nungnungan at West Tabacal region.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ginawan umano nila ito ng report at ipinasa sa provincial at regional office para kung sakali ay mabigyan ng ayuda ang mga apektadong farmers.

Bagaman, maliit lamang aniya ito ng porsyento ng mga naapektuhan sa lunsod subalit sa isang 4 na ektarya ng palayan sa barangay Alinam ay aabot sa 70 percent ang affected.

Nakakalungkot lang ay hindi rin ito naka-enroll sa insurance.

Sa ngayon ay patuloy pa rin aniya ang monitoring ng mga agricultural extension workers sa kanilang area of coverage upang malaman kung mayroon pang ibang apektado ng rice blast.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa kaniya nagkakaroon ng insidente ng rice blast dahil sa malamig na panahon at kung minsan ay mainit o pabago-bagong panahon na gustong-gusto ng fungus.

Payo naman ni Eng. Alonzo sa mga rice farmers na palaging bisitahin ang kanilang palayan upang makita ang mga umaatakeng insekto o peste sa kanilang mga pananim at maireprot sa kanilang tanggapan upang malaman ang tamang rekomendasyon sa mga ito.