2 lalaki kalabuso sa pagnakaw sa isang tindahan sa Puerto Princesa

Kalabuso ang 18 anyos na si Christian Ignacio at ang isang 15 anyos na binatilyo sa pagnanakaw sa isang drugstore sa Barangay Sta. Monica ganap na 11:38 ng umaga nitong Martes, February 8, 2022.

Ayon sa manager ng tindahan, naging alerto sila dahil ikalawang beses na pagnanakaw ito ng mga suspek, kaya sa muling pagpasok ng mga ito ay binantayan ng maigi hanggang sa mahuli sa akto sa tulong na rin ng kuha sa CCTV.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nagkaroon naman ng kasunduan sa barangay ang manager at ang mga suspek na babayaran ang halaga ng ninakaw dalawang bag ng milo 1.2 kilograms subalit sampung beses ang halaga sa orihinal na presyo nito alinsunod na rin batas ng tindahan. Upang magsilbing babala umano sa mga magnanakaw.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Umapila naman si Ignacio na buntis ang kanyang kinakasama at kailangan lang nila ng pera kaya nagawa ang pagnakaw.

Samantala, habang wala pang sapat na perang pambayad ay naging collateral ng mga ito ang cellphone at P500.00 cash.