Alice Guo – papuntang ‘Golden Triangle’ triad ayon sa PAOCC

Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na papunta sa isang malaking sindikato si dismissed Bamban mayor Alice Guo nang pumuslit ito sa Pilipinas.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio na sa palagay nila’y hindi naman sa China papunta si Guo lalo na’t strikto ang bansang ito pagdating sa gambling laws.

Aniya, posible raw itong magtungo sa ‘Golden Triangle’ lalo na’t ang pamilya Guo raw ay may busines interest at gambling interests sa Cambodia.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sabi ni asio – bahagi raw ang mga Guo sa Fujian Gang, isang malaking criminal organization, na bahagi ng Golden Triangle.

Maaalalang ang Golden Triangle triad ay tumutuok sa mga crime-infested areas sa Cambodia, Myanmar, at sa Laos na pinatatakbo ng mga sindikato.

BLUE NOTICE

Minamadali naman ng PAOCC ang pagsasailalim kay Alice Guo sa blue notice ng Interpol.

Sinabi ni Casio na sa kanilang pagkaka-alam, nasa Batam Island pa rin sa Indonesia ang dismissed mayor.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Dahil dito, mahalaga raw na i-apply na sa Interpol ang pagsasailalim kay Guo sa blue notice nang sa gayon ay lalo pang lumiit ang kaniyang mundo.

Sa ngayon, naniniwala raw silang baka naghiwa-hiwalay na nang galaw si Alice at ang kaniyang kapatid na si Wesley, matapos mahuli sina Shiela, at si Cassandra Li Ong.

Si Wesley naman ay maaaring nakalabas na ng Indonesia papuntang Hong Kong.