Kampo ng KOJC, nanindigang dahil sa ‘takot’ at hindi ‘pagod’ ang sanhi ng atake sa puso ng isa nilang miyembro

Labing-anim ang naitalang nasaktan sa pag-serve sa Warrant of arrest kay Apollo Quiboloy at mga kasamahan sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Catitipan, Davao City.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Israelito Torreon, isa sa mga abogado ni Quiboloy.

Pinabulaanan naman ni Atty. Torreon na ang naging sanhi ng cardiac arrest ng nasabing lalaki ay dahil sa pagod.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Aniya – dahil ito sa takot matapos makita ang presensya ng mga pulis.

Sasagutin naman daw nila ang gastos sa pagkamatay nito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon din kay Torreon, nag-commit na siSenator Bato dela Rosa na may gagawing senate inquiry kaugnay sa umano’y ‘overkill’ na pagsisilbi ng warrant of arrest.

Sagot naman ni PRO-XI regional director BGen. Nicolas Torre III – wala itong problema sa kanya at handa siyang dumalo sa nasabing hearing. (with reports from JULIUS PACOT – 93.1 BNFM DAVAO)