Alice Guo at kaniyang kapwa akusado, posibleng makulong ng mahigit 1,000 taon

Posibleng makulong mula 609 hanggang 1,218 taon sina dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at ang kaniyang kapwa akusado sakaling mapatunayang guilty sa money laundering charges.

Mababatid na una na naghain ang AMLC kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission ng 87 bilang ng money laundering laban kay Alice Guo, Shiela Guo, Cassandra Li Ong, Dennis Cunanan at 28 iba pa.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ito ay dahil sa pagkakasangkot nila sa operasyon ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators na nadiskubreng sangkot sa mga ilegal na gawain.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Nag-ugat ang mga inihaing kaso sa P7 bilyon na umano’y ginamit para sa mga operasyon ng illegal na POGO hub na sinalakay ng mga awtoridad sa Bamban Tarlac.