Nakumpleto na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang profiling ng hindi bababa sa 30,000 Filipino workers na apektado ng POGO ban.
Sa Senate finance committee hearing para sa pondo ng DOLE sa susunod na taon, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na higit-kumulang 40,000 na ang kanilang na-profile.
Noong July, iniulat ng ahensya na nagsasagawa na sila ng profiling upang matulungan ang mga apektadong empleyado na matukoy ang maaari pa nilang pagtrabahuhan.
Kasunod nito, noong nakaraang buwan naman, sinabi ni Laguesma na target nila matapos ang hakbang na ito pagsapit ng Setyembre.
Layunin ng profiling na silipin ang skill set ng mga workers, ang mga sahod nito, at job descriptions.
Tutukuyin din nito ang pangangailangan ng mga empleyado na sumailalim sa upskilling, retraining, at training sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority.