Nilinaw ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap na formal na request mula sa gobyerno ng Indonesia tungkol sa impormasyong may hinihiling umanong exhange ang Indonesia para mai-turn over sa Pilipinas dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Matatandaang ang Indonesian authorities ang nakahuli kay Guo sa Jakarta Indonesia.

Ayon kay DOJ Assistant City Prosecutor Atty. Isser Josef Gatdula, maituturing na “unverified report” ang impormasyong ito bilang wala pang pormal na request mula sa Indonesia government.
Sinabi rin ni Gatdula mayroon namang extradition treaty ang Pilipinas sa Indonesia kaya pwede nilang i-accommodate ang request na ito.