TNT panalo sa PBA 3×3 Season 2 first leg

Muling umangat ang TNT Tropang Giga, matapos manalo sa PBA 3×3 at makompleto ang kanilang sweep sa first leg ng Season 2.

Natalo ng TNT ang Meralco 3×3 sa pamamagitan ng overtime, 21-19 sa finals para mag-replicate ang kanilang first leg victory sa first season ng tournament.

Kaugnay nito, muling pinangunahan ni Almond Vosotros ang TNT sa kanyang 9 points, habang si Ping Exciminiano ay mayroong 8 points, at si Lervin Flores at Samboy de Leon ay kapwa nag-ambag ng 2 points.

Samantala, bago ang finals, natalo ng undefeated TNT ang J&T, 18-15, sa semis, at Blackwater Bossing RED President, 18-16, sa quarters.