Alex Eala, nasungkit ang dalawang kampeonato sa Spain

Gumawa na naman ng panibagong kasaysayan si Alex Eala sa mundo ng tennis.

Ito ay matapos na makakuha siya ng dalawang titulo sa W100 Victoria-Gasteiz na ginanap sa Spain.

Base sa resulta, ikalimang panalo na ito ni Eela, matapos mapanalunan ang 4 pa na tournament nitong nakalipas na apat na taon.

Nakuha ng naturang manlalaro ang single championship, at sumubok ulit ito sa isa pang division na double kasama ang atleta ng france na si Estelle Cascino.

Read More:  Palace confirms Mabanta briefly worked for Marcos

Dagdag pa nito, napanalunan din nila ang double tournament kontra sa dalawang atleta ng bansang Bulgaria at Latvia. ( BRIGADA NEWS INTERN JOEL RICALDE )